Ni: CHERRY LIGHT
NAKAAMBANG umuwi na lamang sa bansa ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Middle East dahil sa patuloy na pagbulusok ng halaga ng langis sanhi ng krisis sa COVID-19.
Ayon kay ACT–CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo, ngayon pa lamang ay dapat nang maging handa sa ganitong scenario ang Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga OFWs doon.
Asahan na aniya na mababawasan ang demand sa mga OFWs mula sa mga bansang mayayaman sa langis sa Middle East.