MELROSE MANUEL
INILABAS na ng selection committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang walong official entries na mapapanood sa pinakaunang summer edition ng nasabing festival.
Kabilang dito ang “A Hard Day” na pagbibidahan ni Ding Dong Dantes; “Tagpuan” nina Alfred Vargas, Shaina Magdayao at Iza Calzado; “Love The Way Ü Lie” na kinatatampukan nina Xian Lim at Alex Gonzaga; at “Isa Pang Bahaghari” kung saan tampok sina Philip Salvador at superstar Nora Aunor.
Kasama rin ang “Love or Money” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Angelica Panganiban; “Coming Home” kung saan tampok sina Jinggoy Estrada, Martin del Rosario at Edgar Allan Guzman; “Ngayon Kaya” tampok sina Paulo Avelino, Janine Gutierrez at Rio Locsin; at “The Missing” nina Joseph Marco at Ritz Azul.
Ipapalabas ang mga ito sa mga sinehan nationwide simula Abril 11 (Black Saturday) hanggang Abril 21 ngayong taon.