Ni: JHOMEL SANTOS
KARAGDAGANG P31-B ang hinihingi na supplemental budget ng Department of Agriculture (DA) sa pamahalaan para  matiyak ang pagkakaroon ng sapat na supply ng pagkain sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Agriculture Sec. William Dar, gagamitin ang nasabing halaga sa implementation ng Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra sa COVID-19 o ALPAS COVID-19 program.
Binigyan diin ni Dar na isa sa mga epekto ng nararanasang pandemic ay ang paghihigpit sa global food supply.