Ni Jonnalyn Cortez
LAHAT nga raw ng ginagawa natin ay may epekto sa ating katawan. Kaugnay nito, ano nga ba ang resulta ng ehersisyo sa ating balat?
Maraming haka-haka sa mga pwede at hindi pwedeng gawin habang tayo ay nag wo-workout na maaring makaapekto sa ating kutis. Nand’yan ang pinakaaasam-asam na workout glow at marami pang ibang tanong ukol sa skincare matapos ang ehersisyo, kaya heto ang ilan sa mga dapat mong gawin upang maging maganda ang kalalabasan ng iyong pag-eehersisyo sa balat.
May ilang kababaihang gustong naka-makeup pag mag wo-workout. Dahil nga maaari kang pagpawisan habang nag-eehersisyo, maaaring maging dahilan ito ng breakout.
Paliwanag ng dermatologist na si Dr. Justine Hexall, isa lamang ang makeup sa dahilan kung bakit nasisira ang pores. “The problem comes when you get a buildup of oil, dirt and dead skin cells on the skin, which can lead to spots,” wika nito.
Ang buildup na ito ay maaaring lumala kung may suot kang foundation habang nag-eehersisyo. Kung hindi maiiwasang mag-makeup habang nag wo-workout, maaaring gumamit ng light-tinted moisturizer at mga non-comedogenic formula na hindi makakabara sa iyong pores.
Agad maghilamos matapos pagpawisang mabuti kasunod ng iyong workout. Isa ito sa mga pinaka importanteng gawin matapos mag-ehersisyo upang pangalagaan ang iyong balat.
“I would always recommend double cleansing after exercising,” mungkahi ng aesthetic therapist na si Cristina Ucci. “This will remove any sweat and bacteria from the skin’s surface following your workout.”
Bago ka mag-ehersisyo, kailangan mong mag-warm-up upang hindi mabigla ang iyong katawan. Kaya naman, kailangan mo ring ihanda ang iyong balat bago ka magpapawis.
“Even if you’re planning on wearing makeup to workout, still make sure you’re cleansing the skin first,” dagdag ni Dr Hexall. “Beware of over-scrubbing, though. Acne sufferers sometimes fall into the trap of over-cleansing with strong exfoliants, which can change the natural microbiome of the skin and make it dry or irritated.”
Post-workout glow, totoo nga ba?
Iginiit ni Dr Hexall na totoo ang post-workout glow. “When you’re exercising, you increase the blood flow to your skin. That glow you see in the mirror is caused by increased oxygen going to the cells,” paliwanag nito.
Upang mapanatili ang naturang glow, kailangang manatiling hydrated at uminom ng maraming tubig habang at pagkatapos mag-workout. Maaari ring maglagay ng hydrating moisturizer upang mapanatiling malambot at makinang ang balat.
“After a workout, skin will always benefit from a good quality moisturizer. Look for something that protects and repairs the skin barrier,” dagdag pa ni Dr. Hexall.