Ni:TERRIJANE BUMANLAG
SA patuloy na pagtaas ng bilang ng namamatay sa pandemic COVID-19 sa buong mundo ay nag-alay naman ng kani-kanilang dasal ang ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz industry.
Kabilang dito ang former basketball player ng Phoenix Pulse Fuel Masters na si Doug Kramer, asawang si Cheska at buong team Kramer.
Ilan lamang sila ang nag-alay ng kanilang mga dalangin at naniniwalang ito ang pinaka-mabisa at magandang gawin sa problemang kinakaharap ng buong bansa dahil sa patuloy na paglaganap ng nasabing virus.