POL MONTEBON
PORMAL nang ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag- vape o paggamit ng e-cigarettes sa mga pampublikong lugar bilang pagpapalawak sa una nang nationwide smoking ban.
Batay sa Executive Order 106 na nilagdaan ng pangulo, ipinagbabawal din nito ang paggawa, distribusyon, at pagbebenta ng hindi rehistrado o adulterated vapes, heated tobacco at iba pang novel tobacco products.
Nakasaad din sa EO na dapat nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA) ang lahat ng e-cigarettes at bawal ang pagbebenta ng naturang produkto sa mga menor de edad.
Habang ang mga establisyemento na gumagawa, nag-iimport at nagbebenta ng e-cigarettes ay kailangang kumuha ng license to operate sa FDA.
Pinalawak ng pinakabagong EO ng pangulo ang direktiba nito noong 2017 na nagbabawal sa paninigarilyo ng tobacco products sa mga pampublikong lugar.