NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
KAILANGAN kayong paalalahanin na bilang mga anak na lalaki at anak na babae ng Ama, kapag tayo ay lumalakad sa Kalooban ng Ama, anuman ang mangyayari sa atin ito’y palaging nasa Kalooban ng Ama.
Tinatanggap natin ang mabubuting mga bagay at tinatanggap din natin ang masasamang mga bagay, dahil iyang lahat ay nasa Kanyang ganap na Kalooban. Ipakikita natin sa mundo na tayo ay matapat sa Kaharian hindi lamang sa mabubuting ulat.
Sa anong paraan tumugon si Job? Ang Panginoon ang nagbigay, ang Panginoon ang nagalis. Purihin ang pangalan ng Panginoon! Makatatayo ba tayo ng matibay kagaya ni Job? Ang aking pananampalataya ay lumalakas sa bawat panahon na may pag-atake mula kay Satanas o maaaring ako’y atakehin ni Satanas ng personal dahil ako naman talaga ang kanyang target.
Saanman ako ninyo ilagay, maging ito man ay sa kulungan, dadalhin ko pa rin ang Kalooban ng Ama. Mag-aayuno at magdadasal ako at sasabihin sa inyo na ang Panginoon sa langit ay mas makapangyarihan kaysa sa anumang puwersa sa sanlibutan.
Bakit? Dahil ang gawaing ito ay espirituwal. Tayo ngayon ay pinagpala ng masagana ng Ama. Ito’y dahil kapag tayo ay pinagpala, hindi nakikita ni Satanas ang ating pananampalataya. Hindi niya nakikita ang ating katapatan, na kayo ay wala nang binhi ng serpente, na kayo ay nakapagsisisi na, na kayo ay mabubuti na, wala na kayong mga bisyo, at kayo ay lumalakad na sa Kalooban ng Ama.
Hindi lahat ‘yan nakikita ni Satanas. Lahat ng kanyang nakikita ay mga pagpapala na meron sa atin. Tayo ay lubos na pinagpala ngunit hindi nakikita ni Satanas ang ating katapatan. Ang ating mga mabubuting mga gawain kagaya ng mga humanitarian work na ating inilaan sa mga batang dukha, o maging ng mga rescue operations sa panahon ng mga kalamidad. Nagtungo pa nga ang ating grupo sa Africa upang tulungan ang mga batang nangangailangan. Ang lahat ng kanilang nakikita ay ang mga pagpapala natin, mga materyal at pinansyal na mga pagpapala. Kaya, doon kayo susubukan. Paano natin harapin ang mga iyon?
Kung nais ng Ama na bumalik ako sa Bundok Kitbog o saanmang bundok, ako lang o kasama ng mga miyembro, eh ‘di sige. ‘Yan ang Kalooban ng Ama.
Itinukoy ito sa Mateo 7:24-25,
24 Kaya’t ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at ginanap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato.
25 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka’t natatayo sa ibabaw ng bato.
Ano ang bahay na ‘yan? Kayo at ako ay ang bahay na iyan. Hindi anumang gusali, hindi kahit ang Kingdome. Hindi ‘yang mga ari-arian na inyong nakikita. Hindi lahat ng iyan kundi ako. Kayong lahat ay templo na siyang maitatag sa ibabaw ng bato.
Ipinaliwanag ito dito sa Mateo 7: 26-27
26 At ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at hindi ginaganap, ay matutulad sa isang taong mangmang, na itinayo ang kaniyang bahay sa buhanginan:
27 At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at nabagsak: at kakilakilabot ang kaniyang pagkabagsak.
Kaya saaman o anumang pangyayari na ating mahaharap habang naglilingkod sa Ama, tanggapin natin ito ng buong puso kagaya ni Job dahil tayo ay tumestigo na ang paglilingkod na ito ay tunay. Tayo ay matapat sa paningin ng Dakilang Ama. Pasalamatan natin Siya sa lahat ng ating mga karanasan.
Ito ay isinulat sa Efeso 6: 12-18
12 Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pumunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.
14 Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran,
15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;
16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.
17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:
18 Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal.
Nang ako’y tinawag Niya sa Tamayong, ako ay nag-iisa. Iniwan ko ang kaginhawaan at oportunidad na inalok sa akin ng dati kong denominasyon na nanggaling mula sa Amerika. Itinabi ko ang lahat ng ito dahil sa pag-ibig ko sa Kalooban ng Ama. Nag-iisa akong kumakain ng saging sa limang taon hanggang ibinigay Niya sa akin ang lahat ng mga kapahayagan na aking ibinahagi ngayon sa buong mundo. Nadaig ko ang binhi ng serpente sa bundok na iyon sa paggawa sa Kalooban ng Ama. Kaya, laging tandaan na ang ating paglilingkod sa Dakilang Ama ay hindi karnal, kundi espirituwal.
(ITUTULOY)