NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
NAGAGALAK tayo na ang 2020 ay dineklara bilang Taon ng Napakasaganang Pagpapalang Espirituwal ng Dakilang Ama.
Pinagpala ng Ama ang Bansang Kaharian sa napakaraming paraan. At ang ating gawa ay naging matagumpay sa napakaraming mga lugar. At naalala ko nang tinawag ako ng Ama at dinala ako sa dalawang bundok. Kanya rin akong dinala sa Korea kungsaan ay narinig ko ang Kanyang tinig na nagsasabing, “Gagamitin kita,” na sa Cebuano ay “Gamiton ta ka.” Kaya ngayon ginagamit ako ng Ama at ipinapadala sa buong sanlibutan. Ang Kanyang buhay ay ipinagkatiwala sa akin. At ito ang buhay ni Jesus Christ na nagsisimula nang Siya ay pinadala dito upang iligtas tayo. At ngayon tayo ay mapagpasalamatin dahil sa malaking katagumpayan sa Bansang Kaharian.
Tayo ay mapagpasalamatin sa Ama sa maraming paraan dahil ang ministeryong ito ay isang Espirituwal na Ministeryo. Ito ay Espirituwal na Ministeryo na dumating sa mga puso at isipan ng Kanyang mga mamamayan sa buong sanlibutan.
Kaya lahat ng bagay na nangyayari sa Bansang Kaharian ay Kalooban ng Ama. Kapag tayo ay lumakad sa Kalooban ng Ama, ang mga bagay na inyong nasasaksihan ay palaging Kalooban ng Ama.
ANG KATAPATAN NI JOB
Si Job ay masyadong pinagpala ng Ama at ang kanyang pananampalataya ay napakatibay. Nang makita ni Satanas ang lahat ng ito, sinabi niya sa Panginoon “Pinaglilingkuran lang kayo ni Job dahil sa mga pagpapala na inyong ibinigay sa kanya. Napakarami niyang mga ari-arian. Napakarami niyang mga hayupan. Lahat ng kanyang mga anak ay lubos na pinagpala. Nakasuot sila ng magagandang damit at may mabuting kabuhayan.” At sinabi ng Ama sa kanya, “Tumungo ka kay Job at subukan siya kung naglilingkod lamang siya sa akin dahil sa mga pagpapala na kanyang natanggap.”
Nang marinig ni Satanas ang sinabi ng Ama, siya ay tumungo sa sanlibutan at sinimulan ang kanyang plano laban kay Job. Una, dumating ang mga kaaway ni Job at kinuha ang lahat ng kanyang mga baka.
Tanging isang utusan lamang ang nakaligtas at sumangguni kay Job patungkol sa nangyari. “Job! Umatake ang mga kaaway. Pinatay ang lahat ng inyong mga tauhan, ako lamang ang nakaligtas, at kanilang ninakaw ang lahat ng inyong bakahan.” Sinabi sa kanya ni Job, “Ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nag-alis; purihin ang pangalan ng Panginoon!” Sa unang yugto, sinabi ni Satanas sa Panginoon –hindi pa ako tapos, mayroon pang ikalawang yugto.” Tingnan natin kung ano ang gagawin mo.
IKALAWANG YUGTO
Sa ikalawang beses, lahat ng kanyang mga tupa ay ninakaw at pinatay ang kanyang mga matapat na utusan at tanging isa lamang ang nakaligtas. Dumating ang hindi magandang balita “Ako lamang ang naiwan, kanilang ninakaw ang lahat ng iyong mga tupa at pinatay ang lahat ng mga utusan.”
Noon ang lahat ng mga balita na dumating kay Job ay mabubuti, at laging nagpapasalamat si Job sa Ama lingid sa kaalaman na pinagmamasdan siya ni Satanas.
Kaya sa ikalawang yugto, nalugmok si Satanas. “Hindi pa ako tapos. Marami pa akong mga plano,” muling sinabi ni Satanas sa Ama.
Kaya kapag kayo ay naglilingkod sa Panginoon, huwag lamang tumingin sa mga pagpapala, tingnan din kung ano ang magagawa ng Panginoon sa pamamagitan ng inyong pagpapala.
IKATLONG YUGTO
Si Job ay may 3, 000 kamelyo. Sa panahong iyon na mayroon kayong limang kamelyo, mayaman na kayo at kapag nais ng isang lalaki na pakasalan ang isang babae, ihahandog niya ang mga kamelyo. Kapag ang isang lalaki ay maghahandog ng 100 kamelyo sa isang babae, nangangahulugan itong siya ay mayaman at maaaring maipalagay na isang bilyonaryo. Ngunit mas higit pa ang kay Job dahil mayroon siyang 3, 000 kamelyo.
Kaya tumungo muli si Satanas kay Job, ninakaw ang lahat ng kanyang mga kamelyo at pinatay ang lahat ng mga utusan. Sa muli, may isang nakaligtas upang isangguni kay Job ang masamang balita.
Umiiyak ang utusan habang nagsasalita kay Job, “Job, ninakaw ng mga kaaway ang lahat ng inyong mga kamelyo, pinatay ang 25 na mga utusan at ako lamang ang nakaligtas upang ibigay sa iyo ang masamang balita.”
Hindi napanghinaan ng kanyang pananampalataya si Job dahil ang kanyang puso ay puno ng sinseridad at katapatan sa paglilingkod sa Panginoon. Ano ang sinabi ni Job? “Ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nag-alis. Purihin ang pangalan ng Panginoon.”
(ITUTULOY)