REP. Robert “Ace” Barbers
POL MONTEBON
SINITA ni Rep. Robert “Ace” Barbers ang Bureau of Customs at Anti-Money Laundering Council o AMLC dahil sa tila pagiging relax kaya naipasok sa bansa ang nasa $1.02 billion na posibleng “dirty money.”
Aniya, mayroong international law kung saan hindi pinapayagan ang pagdadala ng higit sa $10,000 ng cold cash at nakababahala na hindi ito natututukan ng mga otoridad lalo na ang AMLC.
Maaari aniya kasi na magamit sa terorismo, illegal POGO at iba pang mga masamang transaksyon ang mga pera na ito kung hindi nasusubaybayan ng estado.
Isa pa sa ikinakatakot ni Barbers na chair ng House Committee on Dangerous Drugs ay ang posibilidad na nagagamit ang pera sa pagpondo ng mga drug syndicates.
Bunsod nito, suportado ng mambabatas na maimbestigahan ang naturang modus.