RUSSIAN President Vladimir Putin
MELODY NUÑEZ
MANANATILI pa rin sa puwesto hanggang 2036 si Russian President Vladimir Putin.
Ito ay matapos ipasa ng mga mambabatas ang resolution na nagtatanggal sa term limit ng pangulo.
Nakatakda sanang magtapos na ang termino ni Putin sa 2024 makaraang dalawang beses na itong nananalo sa pagkapangulo.
Pag-uusapan muna ang panukalang batas ng dalawang beses ng mga mambabatas.
Magkakaroon lamang sila ng clearance mula sa constitutional court kapag naisagawa na ang public vote sa Abril a-22.
Sinabi naman ni Putin na sakaling hindi magtagumpay ang resolution ay handa itong bumaba ng kusa sa kaniyang puwesto hangang 2024.