MARGOT GONZALES
KINUMPIRMA mismo ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara na siya ay nagpositibo sa COVID-19 kung saan ilang araw na siyang dumaranas ng sintomas ng virus, kagaya ng bahagyang lagnat, ubo, sakit ng ulo at panghihina.
Aniya, kusa na siyang nag-isolate matapos ang pagkuha ng test noong Marso a-16, 2020.
Si Angara na ang ikatlong senador na nagpositibo sa nasabing sakit.
Unang natukoy na infected si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri at pangalawa si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.
Umapela naman si Angara sa publiko na isama siya sa panalangin para tuluyang gumaling mula sa COVID-19.