MELROSE MANUEL
NAANTALA ang shooting ng international film na Mission Impossible sa Italy na pinagbibidahan ni Tom Cruise.
Ito ay kasunod sa pagbabawal ng local government sa Venice ng pagtitipon dahil sa banta ng corona virus disease o COVID 19 sa kanilang bansa.
Ayon sa naging pahayag ng Paramount Pictures, kailangan din nilang matiyak ang kaligtasan ng mga artista at film crew at aayusin pa nila ang kanilang production plan para sa tatlong linggong shoot sa Venice.
Hindi naman binanggit kung kailan sisismulan ang movie shoot sa lugar.