CRESILYN CATARONG
NALAGPASAN na ng spain ang kabuuang death toll ng China dahil sa COVID-19 kung saan nakapagtala ang Spain ng 738 na nasawi sa loob lamang ng isang araw dahilan upang lomobo sa 3,434 ang total fatality ng bansa dahil sa COVID-19.
Mas mataas ito ng 149 kumpara sa 3,285 deaths na naitala sa China.
Dahil dito, pumangalawa na ang Spain sa may pinakamaraming napatay dahil sa virus.
Nananatili namang pinaka-apektado ng pandemic ang Italy na ngayon ay mayroon nang kabuuang 7,503 na nasawi.