HINIKAYAT ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang publiko na ikonsidera ang online filing at payment services sa gitna ng nakababahalang coronavirus disease o covid-19 outbreak.
Ayon kay BIR Assistant Commissioner Elenita B. Quimosing sa naganap na economic press briefing, sa pamamagitan ng official website ng BIR na www.bir.gov.ph, pwedeng i-download ang offline electronic BIR forms package para magfile ng Annual ITR.
Ani Quimosing, mas pinadali rito ang pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng electronic payment channel partners ng BIR gaya ng Paymaya at G-cash, DBP at Landbank.
Samantala, umabot naman sa ₱3.2 billion ang nakolekta ng ahensya mula sa tax amnesty program nitong Enero a-31.