HINIMOK ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas ang mga employers na ipatupad ang Telecommuting Act sa gitna na rin ng pagsipa ng kaso ng COVID- 19 sa bansa.
Sa ilalim ng batas, maaaring magtrabaho sa bahay ang isang empleyado sa tulong ng telecommunications o computer technology.
Ayon kay Vargas na isa sa mga principal author nito, bagama’t ang orihinal na intention ng RA 11165 ay maibsan ang pasakit ng mga manggagawa na naiipit sa traffic, maaari rin itong ipatupad ngayon sa gitna ng local transmission ng COVID-19.
Sa pamamagitan nito, mas ma co-contain ng mga otoridad ang pagkalat ng virus dahil hindi ma-e-expose sa labas ang mga empleyado.
Mananatili naman ang workload ng empleyado kahit sa bahay ito magta-trabaho.
Una nang hinimok ni Albay Rep. Joey Salceda ang pagkakaroon ng work stoppage sa Metro Manila ng isang linggo bunsod ng virus.