HANNAH JANE SANCHO
PINURI ng Manila based think tank na Integrated Development Studies Institute (IDSI) ang administrasyong Duterte sa pagpapakita ng abilidad na dinggin at tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayang Pilipino sa gitna ng kinakaharap na krisis sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay George Siy, isang development expert ng IDSI, maayos at mahusay ang pagsasagawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga adjustment at pag-improve ng mga polisiya.
Kung kaya, mas tumatag pa ang kumpyansa ng mga Pinoy sa Pangulo sa paraan ng pamamalakad nito lalo na sa sitwasyong ito.
Nanawagan naman ng pagkakaisa si Siy lalo na sa dagok at pagsubok na kinakaharap hindi lang ng bansa kundi ng buong mundo dahil sa COVID 19 pandemic.
Iginiit ng think tank IDSI na huwag munang pairalin ang pulitika sa mga panahong ito ng krisis bagkus ituon muna ang pansin sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.