NI: EUGENE FLORES
HINDI inaasahan ng marami ang tuluyang pagalis sa New England Patriots ni National Football League (NFL) superstar Tom Brady at pagpirma nito ng dalawang taong kontra sa Tampa Bay Buccaneers.
Ayon sa mga report nagkakahalaga ng 30 milyong dolyar ang isang season ni Brady sa Buccaneers.
Maraming mga fan ang hindi nagustuhan ang paglipat ng six-time Super Bowl champion na naglaro ng 20 seasons sa Patriots.
Gayunpaman, tinanggap ni Brady ang bagong hamon ng kaniyang desisyon para sa kanyang legendary career.
“Excited, humble and hungry. If there is one thing I have learned about football, it’s that nobody cares what you did last year or the year before that,” aniya.
Bukod sa kanyang anim na kampyonato, three-time MVP din ng liga si Brady kung kaya’t malaking papel ang kanyang gagampanan sa bagong koponan na palyado sa huling 12 seasons.
Itinuturing na isa sa all-time greats si Brady sa NFL.
Dagdag na factor sa kaniyang paglipat ay ang kanyang edad; 43 na siya sa Agosto.
Maaaring maihalintulad ang paglipat ni Brady sa ibang koponan sa paglipat ni football superstar Cristiano Ronaldo mula Real Madrid patungong Serie A club Juventus.