YNA MORTEL
GINAWA nang mobile health facilities ang sampung shipping containers dahil sa pangangailangan ng isolation facilities para sa mga pasyente na naghihintay pa ng kanilang diagnosis.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na ito ang nakikita nilang solusyon habang naghihintay ang COVID patients na hindi pa natutukoy kung positibo o negatibo ito.
Balak naman ng DPWH na ilagay ang shipping containers sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kung saan nakikipag-coordinate na ang ahensya sa CCP.
Samantala, inihayag ni Villar na nag-contact tracing na ang DPWH kung saan nag-quarantine na ang iba at nagnegatibo ang pinatest na buong district engineering office.
Ang hakbang ay makaraang masawi ang isang empleyado ng DPWH na naka-assign sa PICC quarantine facility dahil sa COVID-19.