MELROSE MANUEL
MAGBABALIK trabaho na ang Department of Transportation para sa labing tatlong rail projects ng ahensya matapos ianunsyo ni Cabinet Sec. at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases Spokesperson Karlo Nograles na inaprubahan na ng task force ang request ng DOTr na ituloy ang kanilang mga utility relocation works at iba pang trabaho sa kanilang labing-tatlong proyekto.
Kabilang dito ang MRT-3 rehabilitation, MRT-7 at Metro Manila subway kung saan ang resumption ay para lamang sa limited works gaya ng relocation ng affected facilities, electric, telecoms at water lines.
Ilan ding kondisyon ang ipapatupad ng ahensya sa kasagsagan ng limited works gaya ng mahigit na pagpapatupad ng social distancing, regular na pagdis-infect sa workplace, shuttle at accommodation at regular na monitoring sa kalusugan ng mga personnel na magsisimula sa susunod linggo.