MELODY NUÑEZ
NAGTATAG ng labing-pitong (17) monitoring teams ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang mangangasiwa para sa implementasyon ng unang bahagi ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nirekwes ng IATF sa Landbank na magbukas ng kanilang tanggapan tuwing Sabado o weekends upang mapabilis ang SAP implementation para sa 17 lokal na pamahalaan ng National Capital Region (NCR).
Nagbigay naman ng update ang DSWD sa ini-release na mga subsidiya sa ilalim ng Emergency Subsidy Program.
Inireport ng DSWD na minadali na rin ng kanilang NCR field office ang pag-isyu ng mga cheke sa buwan ng Abril sa mga LGU ng Metro Manila na nakakumpleto na ng kanilang mga requirements.
Noong Biyernes, nasimulan na ng Parañaque LGU ang distribusyon para sa ayuda ng mga pamilya habang inumpisahan na rin ng Maynila ang implementasyon nitong Lunes.