CRESILYN CATARONG
NASIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa dalawa pang pasilidad sa Metro Manila para gawing COVID-19 quarantine facilities.
Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na naumpisahan na ang conversion sa Filinvest Tent sa Muntinlupa City at ULTRA stadium sa Pasig City para magsilbing Quarantine Centers.
Ang Filinvest Tent anya ay magkakaroon ng 108 bed capacity, habang sa ULTRA Stadium naman o ang Philippine Institute of Sports Multi-Purpose Arena o PhilSports Arena, itatayo ang makeshift hospital rooms para sa 156 na pasyente.
Target ng DPWH na matapos ang pag-aayos sa ULTRA sa lalong madaling panahon, o kasing bilis ng ginawa nila sa Philippine International Convention Center o PICC sa Pasay City.
Ang technical plans aniya para sa ULTRA at Filinvest Tent ay aprubado ng hospital design specialist na si Architect Dan.