MELROSE MANUEL
INIREREKUMENDA ngayon ni Congressman Joey Salceda sa pamahalaan ang pagpapalawig pa ng dalawang linggo sa enhanced community quarantine (ECQ).
Aniya malaki ang posibilidad na malagay pa sa peligro ang bansa kung tatanggalin na agad ang lockdown sa katapusan ng Abril.
Kailangan umanong makapagsagawa muna ng mass testing na naaayon sa populasyon ng bansa at ito ay dapat umabot ng di bababa sa 350,000 test.
Sa ngayon ani Salceda ay nakapagsagawa pa lamang sa buong Pilipinas ng 55,000 test.
“Ang average po na test is 8,500 per million. Tayo ay 547 per million. So, ang layo pa natin para masabi na… Kasi kung nakakagawa tayo ng 150,000 per two weeks, ibig sabihin i-extend natin ng two weeks para maabot natin yung 350,000,” wika ni Salceda.