HANNAH JANE SANCHO
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang isang Wage Subsidy Program para sa mga middle class worker na apektado ng COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles na pinagtibay ng Pangulo ang small business relief program para matulungan ang 1.6 milyong maliliit na negosyo at ang kanilang 3.4 milyong empleyado na naapektuhan ng enhanced community quarantine.
Makakatanggap ng P5,000 ang mga kuwalipikadong manggagawa hanggang P8,000 depende sa minimum daily wage rates sa rehiyon kabilang dito ang mga workers na employed hanggang Marso 1, 2020 at hindi nakatanggap ng sahod.
Hindi naman kuwalipikado ang mga natanggal sa trabaho, nag-resign, naka-leave o nakatanggap ng unemployment benefits sa SSS.
IBIBIGAY ang subsidy nang dalawang tranches simula sa Mayo a-1 hanggang a-15 at Mayo a-16 hanggang a-30.
Ang tulong ay ipapalabas sa bank account ng mga manggagawa o sa pamamagitan ng SSS unified multi-purpose ID cards, electronic wallets at remittance centers.