MELODY NUÑEZ
NAKAHANDA na ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) facilities sa bansa para sa mga magpopositibo sa naturang sakit ayon kay Sec. Carlito Galvez, Jr., Chief Implementer ng National Task Force (NTF) COVID-19.
Aniya sa Miyerkules ay puwede nang gamitin ang Rizal Memorial Stadium sa Maynila bilang pasilidad ng mga pasyente ng COVID-19.
Handa na rin umano ang Philippine International Convention Center (PICC) at World Trade Center sa Pasay City na gamitin ng mga COVID patients.