MELROSE MANUEL
NADAGDAGAN pa ng 414 na panibagong kaso ng coronavirus sa Pilipinas sa loob isang araw ayon sa Department of Health (DOH).
Dahil dito, umabot na sa 3,660 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa mula sa nasabing bilang, 163 dito ang namatay matapos nadagdagan ng 11 na nasawi habang nasa 73 na ang gumaling sa sakit.
Samantala, ayon sa World Health Organization, lumobo na sa 62,784 ang pumanaw dulot ng virus sa buong mundo habang 1,133,758 na ang positibong tinamaan ng naturang virus.