CHERRY LIGHT
DIREKTANG ibibigay ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin Jr. ang 75% ng kanyang sahod para sa mga ‘no work no pay’ workers ng ahensya.
Sa kanyang twitter post, ito ang kinumpirma ni Locsin at sinabing nais niyang masiguro na sa tamang tao mapupunta ang bawas sa kanyang sweldo.
Dagdag pa ng kalihim na hindi niya nais na malaman na mapunta ito sa mga maling tao at baka ma-stroke pa siya sa galit.
Matatandaang nagpahayag ang mga myembro ng gabinete na ibibigay nila ang 75% ng kanilang sahod para sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19.