Agarang pagtanggal ng lockdown, peligroso – WHO
MELROSE MANUEL
NAGBABALA ang World Health Organization (WHO) sa agarang pagtangggal ng lockdown na ipinatutupad sa maraming bansa para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Maaari umanong magdulot ito ng nakakamatay na pagkalat muli ng bagong coronavirus kung agarang tatanggalin ang ipinataw na lockdown.
Sinabi ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na nakikipag-ugnayan ito sa mga bansa para sa paraan kung paano unti-unting matatanggal ang mga lockdown.
Ayon kay Tedros, humihina na ang pagkalat ng virus sa ilang bansa sa Europe na matinding pininsala ng COVID-19 tulad sa Spain, Italy, Germany at France pero nagbabala siya sa mabilis na pagkalat ng virus sa ilang bansa tulad ng sa Africa.