JAMES LUIS
DETERMINADO pa rin ang british boxer na si Amir Khan na makaharap sa ring si WBA World Welterweight Champion Mmanny ‘Pacman’ Pacquiao sa kabila ng matagal nitong pagsasama sa loob ng boxing ring.
Ani Khan, nais niyang makalaban ang kampeon na si Pacman at nais niyang makarating sa antas na maaari niyang kalabanin ang kahit na sino nang walang kinakatakutan.
Si Khan ang dating sparring partner ni Pacquiao noong unang bahagi ng taong 2010.
Matatandaan na ang huling world title fight ni Khan ay nagresulta ito ng isang sixth round technical knockout loss laban kay Terence Crawford noong nakaraang taon.
Samantala, nagsabi rin si Khan na pinag-iisipan niya kung ipagpapatuloy pa nito ang paba-boxing o kung magre-retiro na lamang.