SAM GUTTIEREZ
NAKAPAGTALA ng bagong record ang isinagawang Easter concert ni blind opera singer Andrea Bocelli sa Duomo Di Milano, Milan Cathedral na umani ng most watched classical music.
Inawit ng opera singer kasama ang world’s largest pipe organ player na si Emmanuel Vianelli ang “Panis Angelicus”, “Ave Maria”, “Santa Maria” at “Domine Deus” at “Amazing Grace”.
Umabot naman sa 28 million views sa YouTube ang 25-minutes na “Music of Hope” concert ng Italian tenor sa loob lamang ng 24 oras.