SAM GUTTIEREZ
NEGATIBO mula sa COVID-19 ang magkasintahang Angel Locsin at producer na si Neil Arce.
Sa kaniyang Instagram post, ipinakita ng aktres ang larawan ng dalawang test kits na nakapangalan sa kanilang dalawa ng kaniyang fiance.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mula nang ipatupad ang malawakang lockdown sa mga lugar, tuloy-tuloy na namahagi ng tulong si Locsin at ilang kaibigan sa showbiz sa mga naapektuhan.