CRESILYN CATARONG
IDADAAN sa pamamagitan ng homework at lectures sa radio o media ang pagtuturo para sa mga estudyanteng walang access sa internet.
Ayon kay Commission on Higher Education Prospero De Vera, ang pamamaraan para sa pagbigay ng aralin ay dedepende sa katayuan ng guro at mag-aaral lalo sa mga malalayong lugar na limited lamang ang internet kung saan posible naman aniya ang online class sa mga urban areas.
Dagdag pa ni De Vera na posibleng magsisimula ang klase ng mga unibersidad at kolehiyo sa buwan ng Agosto at Setyembre gamit ang flexible method.
Aniya, ang pagbubukas ng klase ay depende parin sa sitwasyon ng COVID-19 sa bawat lugar.