ADMAR VILANDO
HABANG hindi pa nakatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang mga manggagawa sa mga informal sector ay iminungkahi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na aabonohan muna ng mga LGU’s.
Ginawa ito ni Sotto kasunod ng paghingi ng tawad ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Diseases, sa mga low-income households na hindi pa rin nakatatanggap ng cash aid na magmumula sa 200 bilyong Social Amelioration Program (SAP).
Sa ngayon, nasa 323 milyon na ang naipamahagi sa 14,400 benepisyaryo na nagmula sa sektor ng transportasyon. Nasa 43 bilyon naman na ang nailipat sa mga LGU habang 800 milyon naman ang ibinuhos sa Bangsamoro Region.
Sa pagtaya ni Nograles, nasa 50% na ito ng 100 bilyong social ayuda na nakalaan dapat para sa buwan ng Abril.