SAM GUTTIEREZ
NAGPALIWANAG at nagsorry si actress-turned politician, Bacoor Cavite Mayor Lani Mercado sa kaniyang pagkakamali sa “COVID-14” kung saan napaghalo lamang niya ang “14-days quarantine period” at “COVID-19” kaya nito nabanggit ang COVID-14 at humingi ito ng pag-unawa sa publiko.
Ibinahagi rin ni Lani, na maski ang kaniyang asawa na si Senador Bong Revilla ay natawa sa kaniyang pagkakamali.
Magugunitang pinagpiyestahan si Lani online matapos itong magkamaling sabihin ang “COVID-14” sa halip na “COVID-19”.