ADMAR VILANDO
SUPORTADO ng Philippine National Police (PNP) ang “Balik Probinsya” program ng pamahalaan.
Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, handang i-mobilize ng PNP ang mga residente sa malalaking siyudad na gusto nang bumalik sa kanilang probinsiya.
Naniniwala rin si Gamboa na susi ito para sa pag-manage ng public health crisis na dulot ng coronavirus disease 2019 at upang makatulong din aniya sa decongestion sa siyudad.
Dagdag ni Gamboa, magiging magandang oportunidad ito para sa mga lokal na pamahalaan na gawing industrialize ang kani-kanilang mga lokalidad.