CRESILYN CATARONG
MALILIBRE na sa bayad ng kuryente ang mga consumers ng mga electric cooperatives na komukonsumo lamang ng mas mababa sa 50 kilowatts per hour.
Ayon kay Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases Spokesperson Karlo Nograles, na bukod sa isang buwang palugit sa pagbabayad ng kuryente sa mga electric cooperatives sa Luzon, Visayas at Mindanao, gagawin ding libre ang konsumo mula Marso hanggang Abril.
Tinatayang nasa tatlong milyong mahihirap na consumers ng mga electric cooperatives ang makikinabang sa libreng kuryente sa panahon ng enhanced community quarantine.
Samantala, iniulat naman ng Department of Energy na mas mataas ang available na kuryente sa ngayon na 11,795 megawatts sa Luzon kaysa sa demand na 7,323 MW.