MELROSE MANUEL
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan nakapagtala ito ng dalawandaan at walumpu’t limang (285) bagong kaso ayon sa Department of Health (DOH).
Dahil dito, umakyat na sa 7,579 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.
Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng pinakamababang bilang ng mga bagong namatay sa pito, para paakyatin sa limandaan at isa ang bilang ng mga nasawi.
habang pumalo na sa walundaan at animnapu’t dalawa (862) ang bilang ng mga gumaling dahil sa pitumpung bagong recoveries matapos ang gamutan at quarantine procedure.