TERRIJANE BUMANLAG
Higit isang libo na ang naitalang gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, kung saan ayon sa 4pm bulletin ng Department of Health ngayong araw, pumalo na sa isang libo at dalawampu’t tatlo (1,023) ang bilang ng nakarecover kung saan nadagdagan ito ngayon ng apat napu’t walong (48) gumaling.
Nakapagtala naman ng dalawang daan limampu’t apat (254) na nagpositibo dahilan upang umabot sa walong libo dalawang daan at labing dalawa (8,212) ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nasa dalawamput walo (28) ang bilang ng naitalang nasawi sa nakalipas na magdamag. Dahil dito pumalo na sa limang daan limampu’t walo ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa.
Umaasa ang DOH na sa kabila ng pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa COVID-19, ay tataas naman ang mga nakakarecover mula dito.