HANNAH JANE SANCHO
WALANG katotohanan ang alegasyon na sinasabing inutusan ang mga ospital na itago ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 sa bansa ayon kay Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles.
Sinabi ni Nograles bilang tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa isang virtual presser na pawang kasinungalingan ang sinasabing direktiba na umano’y nanggaling mula mismo sa Department of Health (DOH).
Aniya naglabas na ng pahayag ang DOH patungkol dito, kung saan nilinaw ng ahensya na wala silang inilalabas na utos sa mga ospital na huwag isapubliko ang bilang ng mga namamatay ng dahil sa COVID-19 at anumang inilalabas ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay pawang totoo.