Broadcaster Howie Severino, COVID-19 survivor
MELROSE MANUEL
IKINWENTO ni broadcast journalist Howie Severino sa isang artikulo ang kaniyang karanasan sa pakikibaka sa coronavirus disease at pagiging survivor nito.
Matapos ang 9 na araw na confinement at pakikipaglaban sa sakit ay nakauwi ito sa kaniyang tahanan, aniya utang niya sa mga bayaning health frontliners ang kaniyang buhay at paggaling.
Labis aniya ang kaniyang pasasalamat sa mga ito sa pag-alaga ng husto sa kaniya at iba pang COVID-19 patients sa kabila ng panganib na maari rin silang mahawa. Hindi aniya matatawaran ang serbisyo na ipinagkakaloob ng mga frontliners.
Binigyang liwanag din ni Howie ang talamak na diskriminasyon na nararanasan ng mga tinamaan ng naturang sakit.