ISINASAAYOS ng siyudad ng Caloocan ang mga quarantine facility dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga PUIs at pagkakaroon ng sapat na test kits para sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga patients under investigation o PUIs kung saan sa ngayon ay nakapagtala na ng 163 na PUIs ang buong Caloocan.
Isa nga sa mga magiging quarantine facility ay ang Caloocan North Medical Center kung saan ay nasa 20 na mga PUIs ang maari nilang tanggapin para sa 14 days quarantine ng mga pasyente bago sila kukuhanan ng swab test.
Gagawin ding pasilidad ang 3 catholic schools at 2 hotels sa Caloocan para gawing quarantine area.
Sakaling magpositibo ang mga maadmit na PUIs ay dadalhin na ito sa mga accredited hospital sa Metro Manila.