ADMAR VILANDO
COVID free pa rin ang buong Caraga Region kaya naman ipinagmamalaki ito ni Agusan del Sur Second District Representative Eddie Bong Plaza dahil na rin sa suportang ipinapakita ng mga tao dito.
Aniya nagsisilbing lakas ng kanilang rehiyon ay ang pakikipagtulungan ng bawat isa sa mga ipinapatupad na lockdown protocols.
Dagdag pa nito na wala silang nagiging problema sa kanilang nasasakupan ngunit ang tangi nilang iniisip ngayon ay kung paano nila ito mapapanatili.
Lubos din ang pasasalamat at katuwaan ni Cong. Plaza sa lahat ng local chief executives at sa lahat ng public official sa buong Caraga Region sa pagsunod sa mandato ng kanilang governor.
Nagpapasalamat din ito sa pagsunod ng kanilang mga residente ay zero case pa rin sa COVID-19 ang buong rehiyon ngunit may binabantayan na lamang na mga PUI at PUM.