MELROSE MANUEL
NAKATAKDANG magpatupad ang lalawigan ng Cavite ng lockdown kung saan ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla, magdadagdag ito ng pwersa ng Philippine Army bilang additional reinforcement sa kanilang probinsiya.
Sinabi rin nito na kukunsultahin muna niya ang mga alkalde para malatag na ang gagawin sa oras na ipatupad ang lockdown.
Matatandaang kasama ang Cavite sa mga lugar na extended ang enhanced community quarantine hanggang Mayo a-15.