POL MONTIBON
Sisimulan na ngayong araw ang pagkakabit ng mga CCTV camera malapit sa mga palengke sa Quezon City.
Ayon sa lokal na pamahalaan, maglalagay ng siyam na CCTV cameras malapit sa mga palengke ng lungsod para mabantayan ang physical distancing at masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili.
Sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na ilalagay ang mga camera sa Commonwealth Ave. harap ng Commonwealth Market (Southbound), Commonwealth Ave Corner IBP Road at Litex, Quirino Highway corner Gen Luis St. at Susano Road, at Quirino Highway corner Ramirez St., Novaliches.
Maglalagay din ng mga camera sa Quirino Highway corner Don Julio Gregorio St. sa Bry. Bagbag, Samson Road-Balintawak, Edsa-Balintawak, Edsa Corner Ermin Garcia St, Cubao, at Tandang Sora Corner Visayas Ave.
Binigyan-diin ng alkalde na mahalaga na matiyak na naipatutupad ang social distancing lalo na’t papasok na sa crucial part ng enhanced community quarantine.