Ni: SHANE ELAIZA ASIDAO
ANG constipation o pagtitibi ang kalimitan nating nararanasan na sakit sa ating digestive system. Nakakaranas ang isang tao ng matigas na dumi, hirap na paglabas ng dumi o hindi regular na bowel movement dulot ng naiprosesong sobrang tubig ng colon mula sa kinain.
Kasama sa mga sintomas ng pagkakaroon nito ang pakiramdam na bloated ang tiyan, matigas na stools, pananakit ng tiyan sa ibang parte at hirap na paglabas ng dumi. Nagkakaroon ng rectal bleeding dahil sa matigas na dumi.
Nagmumula ang Constipation sa kakulangan sa fiber at tubig sa katawan na nakakatulong upang magkaroon nang maayos na bowel movement. Ayon sa artikulo ng ritemed ilan sa mga dahilan nito ang mga sumusunod:
- Stress
- Mga gamot na ininom para sa pain gaya ng narcotics at ibang antidepressant
- Pagpigil sa pagbabawas
- Labis na paggamit ng laxatives
- Intake ng ibang antacid na mayroong calcium o kaya naman ay aluminum
- Pagbubuntis
- Aging
Malaking epekto rin ang pagkain ng labis na dairy products katulad ng tsokolate, ice cream, keso at gatas. Kabilang na rin ang pag-inom ng kape at alak sa dahilan ng pagkakaroon ng constipation.
Gayunpaman, ayon sa artikulo ng webmd, mayroong mga paraan upang ma-iwasan at malunasan ang Constipation:
- Dagdagan ng dalawa hanggang apat na baso ang iniinom na tubig araw-araw.
- Ugaliing kumain ng prutas at gulay.
- Subukan uminom ng maligamgam na tubig tuwing umaga.
- Huwag pigilan ang pagbabawas ng dumi.
- Maging mas active sa physical activities dahil kapag aktibo ang mga muscles sa katawan, gayundin ang mga muscles sa iyong bituka.
Hindi man seryoso ang sakit na constipation, kailangan pa ring maging ma-ingat upang hindi makaramdam ng discomfort na maaaring makaapekto sa pang araw-araw na gawain. Dagdag pa, makabubuti rin na panatilihing malusog at masigla ang katawan nang sa gayon hindi ito pagmulan ng seryosong karamdaman.