TERRIJANE BUMANLAG
KAYANG maglakbay hanggang labing tatlong talampakan o apat na metro ang COVID-19 sa hangin ayon sa bagong findings ng Chinese researchers na sumuri sa air samples mula sa intensive care unit at hospital wards ng mga pasyenteng nahawahan ng virus sa Huoshenshan Hospital sa Wuhan.
Sa datos ng Emerging Infectious Diseases, journal ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), naobserbahan na doble ito sa ipinapatupad na physical distancing na nasa 6-feet lang.
Natuklasan ng mga dalubhasa na ang virus ay heavily concentrated sa mga sahig sa mga hospital ward dahil sa gravity at daloy ng hangin na dahilan para lumutang sa ground ang maraming virus droplet.
May nakita ring high levels ng virus sa mga bagay na madalas hawakan tulad ng computer mouse, basurahan, bed rail at door knob at maging sa suwelas ng sapatos.