YNA MORTEL
NAKATAKDANG magbubukas ang isang COVID-19 laboratory sa Port Area sa Maynila ayon kay Philippine Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon.
Karagdagan umano ito sa dalawang pasilidad na binuksan ng Philippine Red Cross na kasalukuyang tumatanggap na ng mga suspected COVID-19 patients.
Sinabi rin nito na hinihintay na lamang ang pag-apruba ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para makapagsimula na ng testing sa Maynila.
Pinayuhan naman nito ang mga nais magpa-test na tumawag sa hotline number nilang 1158 bago magtungo sa anumang Philippine Red Cross COVID-19 laboratories.
Nagkakahalaga naman ng P3,500 ang kada test ngunit maaari naman itong bayaran ng PhilHealth.