MELROSE MANUEL
KINUMPIRMA ng Centers for Disease Control and Prevention ng United States na may bagong anim na sintomas ang COVID-19.
Sa press briefing, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na inaaral ng mga eksperto sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases at Technical Working Group ng Department of Health ang nasabing impormasyon.
Ilan sa ipinalabas na posibleng bagong sintomas ng COVID-19 ay panlalamig, panginginig dahil sa matinding panlalamig, muscle pain, sakit ng ulo, sore throat at kawalan ng panlasa.
Habang nauna nang ipinalabas ng CDC ang sintomas ng virus na lagnat, ubo, at kapos na paghinga.