CRESILYN CATARONG
POSIBLENG magkakaroon ng sapat na COVID-19 test kits para sa loob ng susunod na tatlong buwan ang bansa ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire dahil umano sa pondo mula sa ‘Bayanihan to Heal as One Act’.
Target ng ahensya na magsagawa ng tatlong libong COVID-19 test simula ika-labing apat ng Abril at tataas ito hanggang walong libo hanggang sampung libo sa huling bahagi ng buwan ng Abril.
Nabanggit na rin ni Secretary Carlito Galvez, na mag-uumpisa ang COVID-19 testing ngayong ika-labing apat ng Abril.
Binigyang-diin ni Health Usec. Vergeire, na yun pa ring mga may malubhang sintomas, mga na-exposed sa COVID-19 patients gaya ng mga health workers at iba ang uunahin sa isasagawang mass testing.