CRESILYN CATARONG
KINUMPIRMA ni National Task Force COVID-19 Chief Implementer at Sec. Carlito Galvez na nasa labinlima na ang bilang ng mga COVID-19 testing facilities sa bansa. Ito ay matapos aprubahan ang accreditation ng mga bagong ospital at laboratoryo.
Kabilang sa mga bagong nadagdag na testing facility ang The Medical City sa Pasig, Molecular Diagnostic Laboratory sa Mandaluyong, Makati Medical Center at V. Luna Hospital.