COVID-19 testing para sa mga empleyado, aprubado na
TERRIJANE BUMANLAG
APRUBADO na sa Palasyo ang inisyatibo ng mga pribadong sektor na magkusa nang ipa-test ang kanilang mga empleyado bago pabalikin sa trabaho sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa Mayo 1.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mass testing ang pinakasusi para malabanan ang COVID-19.
Hinihikayat din nito ang mga pribadong sektor na sila na mismo ang magpatest sa kanilang mga kawani kung hindi na nila maantay pa ang testing ng gobyerno.
Napakaimportante rin aniya na ang pagkukusa ng mga employer na i-disinfect ang kanilang mga establisyemento bago buksan ang mga ito ay mabisang paraan ng pagprotekta sa kanilang mga manggagawa.